Lunes, Setyembre 5, 2011

Club De Assassin


ASSASSIN- isang tao na binayaran o inutusan para pumatay. Pumapatay para mapatahimik ang isang tao na kalaban ng kanyang amo. Maaaring sa negosyo, politika, sports , o kalaro sa chess, kainuman , kalaban sa videoke. Pwede rin na personal na dahilan kaya niya nagawa o nagagawang pumatay. HITMANang tawag. minsan, TIRADOR. At para sa ikabubuti ng araw mo, maglista tayo ng ilan sa mga sikat na Assassin at mga sikat din na personalidad na namatay sa kanilang kamay ( yung iba nakaligtas eh ).
POPE JOHN PAUL II
image
Oo ang dating santo papa at mahal na mahal nating mga pilipino at ngayon ay blessed na ay pinagtangkain ding patayin minsan sa kanyang buhay.
at ang salarin ay si Mehmet Ali Agca
image
Balbas sarado mukhang hindi bubuhay ng tao.
Hindi ko alam kung anong kabute o katol ang nasinghot niya at pinagtangkaan niyang patayin ang napakabuti at napakabait na santo papa. Apat na putok mula sa isang mataas na kalibre ng baril ang ginamit niya. Mabilis siyang dinampot ng mga pulis at sinugod agad sa pinakamalapit na ospital ang “papa”. Makalipas ang ilang taon ay napatawad din siya ni Pope John Paul. Ganyan ang simbahan/relihiyon mapagpatawad kaya sana patawarin na nila si Mideo Cruz Diyos na ang bahala sa kanya. Siguro kung nagkalat ang mga Mehmet Ali Agca sa Pilipinas ay laging kabado ang mga alagad ng simbahan.
John F. kennedy
image
ika-35th na pangulo ng Amerika. Kinikilalang isa sa mga pinakamahusay na pangulo ng estados unidos.
Ang tinuturong salarin sa kanyang pagkamatay ay si LEE HARVEY OSWALD
image
dating marino, hindi ko sigurado kung siya nga baka kasi kagaya sa Pilipinas kung sino-sino lang ang dinadampot at tinatalian ang tutoy para akuin ang kasalan. May napanuod akong video na kaya daw pinatay si JFK ay dahil utos ng “illuminati”. Ano ang illuminati ? sabihin mong superlike at gagawan ko din ng article.
JOHN LENNON
image
Ang pinakasikat na miyembro ng beatles alam mo na dapat yan. Nabaliw ang buong mundo dahil sa mga kanta niya. At mas sikat pa siya kay kristo ayon sa kanya. 
ang tirador na kumuha ng buhay ng super idol ng mundo ay si
Mark David Chapman
image
hindi siya ang bokalista ng fall out boys o si chocolate. Ang pagkakaalam ko kaya niya nagawa ang krimen ay dahil sa sobrang paghanga kay Lennon. At sa sobrang kasiyahan ay binaril si John Lennon ng limang beses apat lang ang tumama. Hindi siya umalis sa crime scene hanggang dumating ang mga pulis, na starstruck yata sa patay na anyo ng idol niya. buti na lang walang ganito sa Pilipinas baka maubos ang mga sikat na artista na wala namang katale talento at sinasamba pa rin ng masa dahil gwapo o maganda.
Benigno Aquino Jr
image
Alam mo na siguro ang nangyari. Pinabasa na sa iyo ng teacher mo nung grade 5 ka saka nung 1st year high school ka. Kung gustong madagdagan ang kaalaman. Magtanong sa lolo o lola mo. Siguraduhin lang na isang anti at isang loyalista ang mapagtanungan mo para mabalanse mo ang paghusga. Kung gusto mo pa rin malaman. Panuorin mo ang mga napost sa blog na ito na may kinalaman kay ninoy ng malaman mo ang ibig sabihin ng “FILIPINO IS WORTH DYING FOR” at ng hindi puro walang kwentang bagay ang ginagawa mo.
Ang tinuturong salarin at nagpapangit sa mukha ng gwapong gwapong senador ay si
ROLANDO GALMAN
image
Hanggang ngayon ay hindi pa rin natin alam kung sino ba talaga ang pumatay kay ninoy. Pero hindi ko din sigurado kung si Galman nga. Dahil dati napanuod ko na ininterview ang anak ni Galman at sinabi na walang kinalaman at may dumakip lang sa kanyang ama.

Pilipinas: Samahan ng mga Magigiting na Bigotilyo



Suwabe. Dahil sa august 29 ay walang pasok. Hindi dahil sa blockbuster ang tweenhearts at pipila ka sa sinehan. Walang pasok dahil ito ay “ARAW NG MGA BAYANI”. Bayani as in nagbuwis ng buhay para sa mahal nating bayan. Hindi yung bayaning sumasayaw , nagpapatawa, at mahilig sa kulay na pink.
Ito ay listahan ng mga magigiting na rebolusyunaryo sa pagsusulat na may eskoba ng pag-ibig sa mukha ( bigote: WOTL EP). Hindi ko alam kung napansin mo ito, pero karamihan ng mga bayani natin noong panahon ng mga kastila ay pulos mga bigotilyo. kung simbolo man ng katalinuhan ang bigote ay hindi ko alam. Kung totoo ito pipilitin kong maging balbas sarado at baka pati mga kababaihan magpatubo na rin ng bigote.
una sa listahan ng barkadahan ng mga bigotilyo ay si MARCELO H. DEL PILAR a.k.a PLARIDEL

image
Patnugot ng “DIARIONG TAGALOG” at “LA SOLIDARIDAD”. Medyo kahawig niya ang bigote ni Jun Sabayton. Isa sa mga ILUSTRADO AT PROPAGANDISTA. Hindi ako naging interesado sa buhay niya dahil nakaaway niya ang idol kong si Pepe. Isang abogado rin siya kaya dalubhasa sa usaping pulitikal. At siya ang may pinaka maangas na bigote.
GRACIANO LOPEZ JAENA
image
siya ang may akda ng ”FRAY BOTOD”, kung hindi mo alam ? hintayin mo ang subject na Mga Gawain ni Rizal. O kaya i research mo na lang gaya ng pagsasaliksik mo sa mga bagong kanta ng U-kiss at beast.
MARIANO PONCE

image
Isa sa mga founder ng La Solidaridad. Isang manunulat. Ang kanyang  Efemerides Filipinas ay naglalaman ng mga pangyayari sa Pilipinas.
FELIX RESURRECCION HIDALGO

image
Isa sa mga mahuhusay na pintor. Henyo ang tawag sa kanya ni Rizal. Nanalo ng Pilak sa isang prestihiyosong patimpalak. Ang kanyang The Christian virgins Exposed to the Populace ang nagwagi.
image
JUAN LUNA

image
Sino ba ang hindi nakakakilala sa mamang ito. Isa sa mga pinaka malapit na kaibigan ni Rizal. Makikita mo ito sa kanyang mga painting na kasama si Rizal. Ayoko ng pag usapan pa ang madidilim na tsismis sa kanyang buhay.
Ang isa sa pinaka sikat niyang gawa ay “PARISIAN LIFE” na sinubasta at nakuha ng Pilipinas gamit ang sweldo ng mga guro. Makikita mo ito sa G.S.I.S museum. Pero ang pinaka sikat ay ang “SPOLARIUM”. Makikita sa Pambansang Museo at kanta ng Eheads. kasama ni Hidalgo si Luna sa nasabing patimpalak at ang spolarium ang nakakuha ng ginto.
image
JOSE RIZAL
image
Ang pambansang bayani natin. kailangan pa bang bigyan ng description? napapalibutan na tayo ng mga Jose Rizal na bagay. Makinig ka na lang ng Rizal Rock.
Kung akala mo kasama sina Romy Diaz, Paquito Diaz, at Rene Requestas? baka sa susunod na kabanata na lang pag sa komedya na tayo.

Gusto mo bang maging writer?


Kamusta mga mag-aaral!
Ako si BOB ONG isang MANUNULAT, at inimbitahan ako sa paligsahan niyo ngayon. Para magbigay ng inspirasyon sa tatalakayin niyong paksa. Pero kailangan niyo pa ba ng inspirasyon? sana hindi, dahil wala akong maibibigay. Bilang manunulat, maraming kabataan ang nagtatanong sa akin: “Sir paano ba magsulat ng libro?” isa ito sa mga tanong na paborito kong hindi sinasagot. Dahil alam ko na ang batang may kinabukasan sa pagsusulat ay hindi nanghihingi ng sagot. Kundi naghahanap ng sagot. At bago nila umpisahan ang paghahanap, sinisiguro muna nilang tama ang inaalagaan nilang tanong. Salungat sa inaakala ng marami, hindi ko hangarin ang maipagbukas ng pinto ang mga kabataang tulad niyo. Dahil ang hinihingi ng mundo, ang kailangan ng bansa natin, ay mga mamamayang marunong sumipa sa mga saradong pinto. Mga mamamayang may paggalang sa tradisyon, perogumigiba ng bulok na sistema. Lipunang matapang at handa sapagbabago, pero may takot sa DIYOS. Bayang rebolusyonaryo, peromaingat, mapagmahal sa kapayapaan, at matalino. Isang bagong henerasyon na handang bumalik sa pagtatanim, at hindi patuloy na hihiga at nganganga na lang sa ilalim ng puno ng bayabas sa farmville. Ang totoo, sa tingin ko ay huli na ang lahat para sa inyo. Kung nandito kayo ngayon at kailangan niyo pa ng ibang tao na maghihimay ng paksa para sa inyo. Ang totoo, sa tingin ko ay mas makakabuti pang umuwi na lang kayo ngayon dahil wala naman kayong mapapala dito. Magkano ba ang premyo? meron ba? ano ang makukuha niyo pagkatapos? uunlad ba ang Pilipinas? Magbabago na ba ang mga Pilipino? Bubuti ba ang mundo? magiging manunulat na ba kayo? Kung ako sa inyo, aatras na lang ako. Malamang nung papunta kayo dito kaninang umaga, may mga nadaanan kayong kalalakihang tambay sa kanto, wala silang balak maghanap ng trabaho, at malamang hindi rin naman sila makakakita. Nakatira sila sa isang barangay na may mga pasugalangpag-aari ng kapitan nito, na alaga at protektado ng mga suhulang pulis. Malamang nakakita rin kayo ng mga rugby boys sa bangketa, na sa halip nasa paaralan at pinag-aaral ng mga magulang ay pakalat-kalat lang sa kalye habang nagdo-droga at namemerwisyo ng mga sidewalk vendor. Malamang nasaksihan niyo ito kanina, pati na ang mga abusadong motorista, mgamalalaswang billboards, smoke-velching na mga sasakayan, sira-sirang kalye, tubig-baha, nagkalat na squatter, mga negosyong walang permit,mga gusaling labag sa building code, mga ilegal na koneksyon ng cable TV, tubig, at kuryente, at maraming marami pang iba. Malamang ito ang sumalubong sa umaga ninyo kanina. Sa siyudad ng mga mayor na pabalik balik sa pwesto, at wala namang ginagawang makabuluhang proyekto opinagsusumikapang pagbabago. Ang mga taong nakita ninyo kanina, ang mga tsismosa, tambay, at lasenggero, pariwarang barangay captain, abusadong pulis, solvent boys, illegal vendors, walang pakundangang mga motorista, mapagsamantalang mga negosyante,corrupt public officials, mga inutil na ahensya ng pamahalaan, tamad na kabataan, manhid kababayan, at matagal ng natutulog na lipunan. Lahat sila walangPAKIALAM sa isusulat niyo. WALA. Hindi nila yan babasahin, hindi nila kayo paniniwalaan, wala sa kanilang magbabago. Titingin lang silang lahat sa saradong pinto at maghihintay na pagbuksan ng kung sinuman ang may gusto. Bat pa nga kayo magsusulat? bakit… nga ba… kayo… magsusulat? at para saan pa? Mga batang manunulat, may isang taong humarap din sa ganyang tanong. Higit isandaang taon na ang nakakaraan. Kinikilala natin siya ngayon bilang pambansang bayani. Paano man niya nalaman sa puso niya ang mga sagot sa kabila ng gutom, sakit, lungkot, takot, poot at mga pangambahangad kong mahanap niyo rin ito sa inyo. Tao ang gumagawa ng kultura at hindi kabaligtaran. Ang problemang tinatawag nating “sila” ay siya ring solusyon kung matutunan lang natin itong kilalanin sa tawag na “ako”. Hindi lahat ng aspeto ng isang kultura ay kapakipakinabang, ngunit hanggang bahagi ito ng pagtanggap ng hamon, pag-ako ng responsibilidad, at pagiging bukas sa mga repormang moral, sa kabila ng anumang balakid, muli at muli nitong maitatama ang sarili niya. Ang kultura, tulad ng tao, ay maaring magbago. Hindi man lahat ng sagot ay maaring hingin, maari naman itong hanapin. Hindi lahat ng saradong pinto ay maaring buksan, dahil ang iba ay maaring sirain. Pero bago manira, muli’t-muli niyo munang subukan ang susi na nasa inyong kamay. Ang pagsusulat hindi tungkol sa paghingi ng inspirasyon, kundi sa pagbibigay nito. Magsulat kayo ng parang ang lahat ay magbabasa, lahat ay maniniwala, at lahat ay magbabago. Dahil ito ang diwa at kapangyarihan ng pagsusulat. Magandang araw sa inyong lahat. God Bless.
( Ang mensaheng ito ay binigyang buhay ni Ginoong Pats Alcantara sa isang paligsahan sa “INKLING”. Sinadya ko po talagang piliting isulat ito ng mabasa mo. Pero kung gusto mong mapanuod ang video sa aktwal na pagbabasa ni G.Alcantara ay pindutin mo ito. http://www.youtube.com/watch?v=sUfDTywtQ3c )

NEVER SAY DIE


Minsan, hindi maiiwasan sa buhay ng tao ang madapa, mapatid, at matalisod. Pero kahit anong dagok and humampas sa ating buhay. Patuloy pa rin tayong tatayo at babangon. Magpapatuloy sa buhay. Dahil kahit anong mangyayari ay patuloy pa rin ang oras sa pagtakbo nito at hindi natin mapipigil ang paghabol dito. Sabi nga sa commercial ng Lucky me, ano sabi ni mommy? “NEVER SAY DIE”.
Ito ang listahan ng mga taong bagamat nadapa at nakatikim ng malaking pagkabigo ay patuloy na lumaban at hindi umayaw sa hamon ng buhay. Partida hindi sila ang-revicon forte.
1.HENRY FORD
image
siya ang founder ng “FORD MOTOR COMPANY”, isang napakalaking kumpanya sa Amerika. Pero bago siya naging matagumpay sa buhay ay limang ulit na bumagsak ang mga nauna niyang negosyo.
” Ang negosyong walang ibang hangad kundi kumita ng pera ay kaawa-awang negosyo” - Henry Ford
2.BILL GATES
image
lahat yata ng kabataan ngayon kung papipiliin kung sino gusto nilang maging tatay, baka ang sagot ay ang mamang ito. Akalain mo bang dropped out siya Harvard University at bigo rin sa negosyong itinayo niya? Pero hindi doon huminto ang buhay para sa kanya, gamit ang abilidad at talino, nalikha niya ang microsoft. Siya na ngayon ang kinikilalang pinakamayamang tao sa mundo.
” Naniniwala ako na kung ipapakita mo sa tao ang problema, at ang nakikita mong solusyon dito. Kikilos sila para dito” - Bill Gates
3. WALT DISNEY
image
Sino ang mag-aakala na masisisante sa trabaho si Walter dahil “kulang sa imahinasyon at walang magagandang ideya?”. Bata ka pa lang, hindi man mukha niya ang nakikita mo ay kilala mo na siya dahil sa kanyang mga likha, hindi mo lang alam? Siya ang utak sa paborito mong si Mickey Mouse, sa walang kamatayang Snow White and the seven dwarfs, kinaaawang Cinderella, gustong gawing pet na Lion King at marami pang iba na produkto ng WALT DISNEY COMPANY na pag-aari niya. Masasabi ko na isa si Walt Disney sa mga nagpatakbo ng imahinasyon ng mga batang Pilipino. Buti na lang, hindi pa nakakapunta ang Tanya Markova sa DisneyLand dahil kawawa naman ang mga hinahangaang cartoon character ng mga bata.
“Lahat ng panaginip natin ay maaring matupad, kung pagsusumikapan natin ito” -Walt Disney
4.VINCENT VAN GOGH
image
Sino ba ang hindi nakakaalam ng “Stary, Stary night”?
Noong nagsisimula pa lang siyang magpinta ay walang pumapansin ng mga gawa niya at isang painting lang niya ang nabenta niya, sa kaibigan pa niya sa napakamurang halaga.Ngunit hindi pa rin tumigil sa pagguhit hanggang sa umabot pa sa pagputol sa sarili niyang tenga, (dapat nagpakagat na lang siya kay Myke Tyson). Pero ngayon ang humigit kumulang na 800 obra maestra niya ay nagkakahalaga ng milyong milyong daang salapi.
“Pangarap ko ang gumuhit at iginuguhit ko ang mga pangarap ko” - Vincent Van Gogh
5.ELVIS PRESLEY
image
Oo, ang habambuhay na “Hari ng Rock and Roll”, minsan sa kanyang buhay nakaranas din siya ng masakit na pangmamata tungkol sa kanyang talento. Matapos ang isang pagtatanghal ay sinabihan siya na wala siyang mararating at bumalik na lang sa pagmamaneho ng truck. Pero hindi siya tumigil at nagpatuloy pa rin hanggang sa malaman ng sanlibutan ang tunay na ibig sabhin ng “Rakenrol”.
“Ambition is a dream with a V8 engine.” - Elvis Presley
6. MICHAEL JORDAN
image
Ang pinakamahusay na manlalaro sa kasaysayan ng basketball. Sinong mag-aakala na tinanggal siya sa basketball team at nagkulong sa banyo at umiyak lang? Sa kabila nito pinatunayan pa rin niya kaya niyang matupad ang pangarap niyang makapaglaro sa NBA at tanghaling Best Player of All Time.
“Lagi mong gawing positibo ang mga negatibong sitwasyon” - Michael Jordan
Kita mo na? walang saysay ang pagsuko sa isang bagay? Kahit na mabigo tayo sa isang pagkakataon, ang mahalaga ay ang pagbangon na gagawin natin.
Abangan ang part two.

PALIMOS...............


image
“Putang ina mo! Mabangga ka sana!”. Sigaw ng aleng karga ang kanyang anak habang bumababa ng dyip. Sabay sakay ko at sabay padyak naman ng driver na animo’y hinahabol ng demonyo sa sobrang bilis magpatakbo. Mabilis akong yumuko at pinunasan ng nangingitim na basahan ang paa ng mga pasahero. Kahit nakatsinelas yung iba, dadampian ko pa rin ng basahan. Kahit yung iba puti yung sapatos, dudumihan ko pa rin. Kailangan bayaran nila ang serbisyo ko sa paggawa ng wala. Uy! swerte ko, nandito na naman si kuyang tayu-tayu yung buhok, iniisa isa kaya niya yan? Lagi niya akong binibigyan ng piso eh. Sobra naman silang makakapit sa bakal, mabilis pa rin bang magpatakbo yung piloto? bakit pakiramdam ko mabagal? Siguro umeepekto na ang inalmusal kong kemikal na nasa supot. “boy, oh”. Salamat at binigyan din ako ng tatlong pasaherong naawa sakin. Anim na piso rin ‘to. Si kuyang tayu-tayu ang buhok inaabutan ako ng tinapay, sabog ba ‘to? kinuha ko na rin. Bigla kong narinig ang sigaw ng driver, “hoy! Bumaba kana ambaho mooo, sabog ka no? Amoy rugby ka!”. Bababa na nga ako hindi dahil sa utos ng hari. Bababa ako dahil mukhang wala ng magbibigay ng limos. Teka nga ? ininsulto ang kaluluwa ko ah? “Putang ina mo! Mabangga sana kayo”. Sabay baba ko sa dyip. Habang palayo ito sa akin ay sinaluduhan ko pa ito ng gitnang daliri ko.
Dito na lang ako tatambay sa ilalim ng hagdan, maya-maya lang maraming nurse students ang aakyat dito, hehe langit na naman. Ha? may rally na naman? Sasabay na naman ang ingay nila sa mga sasakyan. Nakakatawa sila, lagi silang nagpoprotesta, lagi naman silang pinagsasarhan ng gate at hinaharangan ng mga nakakasugat na tinik-tinik na bakal. Hindi man lang sila makalapit sa Malakanyang, nasaan ang demokrasya niyan?
Hayyy…. Kailangan makarami ako ngayon, kailangan masustentuhan ko ang bisyo ko. Kailngan makabili ako kahit maliit na bote ng rugby. Para hindi ako nakakaramdam ng gutom at sakit. Haha, I am superman pag may supply ng kemikal sa utak ko. Ayoko ng makisosyo sa mga tropa ko sa ruby, tenbits lagi eh.
Disisyete anyos na ako, first year high school lang ang natapos ko. Mahirap mag-aral ‘pag walang laman ang sikmura. Walang trabaho si nanay, ginagapang lang niya ang pag-aaral ko sa pamamasura. Lagi pa akong binubog-bog ni tatay, mamalimos na lang daw ako para may pang-inom siya. Tumakas na lang ako sa amin, kaysa siya ang umubos ng paghihirapan ko, ako na lang! Bumabagal na naman ang mga tao sa paligid ko. Hindi ko maramdaman ang init ng araw na tumatama sa balat kong puro tatoo. Makapagpa-tatoo nga ulit mamaya pag tapos kong suminghot, para mas maangas.Gayahin ko kaya istilo ng mga kapwa ko pulubi? Nagtatambol, nagsasayaw, kumakanta ng “nasaan ka na ba mahal ko?”. kaso wala akong talent na ganun eh. Pagpapaawa na lang talaga, pangungusap lang talaga sa mata ko na kailangan ko ng tulong kahit na masakit kami sa mata. Mangholdap na lang din kaya ako? Bigtime yung mga kaibigan kong holdaper laging busog, mas malaki pa ang kita. Hindi naman ako maabutan ng mga pulis, runner ako eh. Ilang oras na ba akong tulala? nagugutom na ako eh? may binigay pala sa aking tinapay. First time siyang nagbigay ng pagkain ah? naisip kaya niya na isa siya sa mga sumusuporta sa bisyo ko sa pagbibigay niya ng piso? lagot pag naisip niya yun? Nakakainggit naman sila kuya, masasarap yung pagkain nila, ako lagi na lang puro galing sa basura at tira-tira na lang. Kailan kaya may tutulong sa mga gaya ko? mukhang normal na lang naman sa mga tao at gobyerno ang kagaya naming mahihirap eh? matutupad pa kaya yung pangarap kong maging teacher? mukhang hindi na? wala na akong makitang pag-asa, wala naman nagbabago bukod sa pagtaas ng mga presyo. Lalo lang lumalala ang anggulo. Basta kahit ganito, mabubuhay pa rin ako. Kung may mababago sa bansa at mga kagaya ko, Swerte. Luha ba tong pumapatak sa pisngi ko? luha nga, kala ko ambon eh? Ilang beses na ba akong lumuha at pinunasan ito gamit ang basahang hawak ko ngayon? hindi ko na alam? Tangina this naman…
Kailangan ko na ulit mamalimos. ‘Pag may humintong dyip, sasakay kaagad ako. Ito na pala eh. “Hoy! bumababa ka, hahampasin kita ng dos por dos” banta sakin ng driver pagtapak ko sa dyip niya. Sa hilatsa ng mukha niya, hindi siya nagbibiro. Bumaba na lang ako sabay sigaw ng “PUTANG INA MO, MABANGGA KA SANA”.