ASSASSIN- isang tao na binayaran o inutusan para pumatay. Pumapatay para mapatahimik ang isang tao na kalaban ng kanyang amo. Maaaring sa negosyo, politika, sports , o kalaro sa chess, kainuman , kalaban sa videoke. Pwede rin na personal na dahilan kaya niya nagawa o nagagawang pumatay. HITMANang tawag. minsan, TIRADOR. At para sa ikabubuti ng araw mo, maglista tayo ng ilan sa mga sikat na Assassin at mga sikat din na personalidad na namatay sa kanilang kamay ( yung iba nakaligtas eh ).
POPE JOHN PAUL II
Oo ang dating santo papa at mahal na mahal nating mga pilipino at ngayon ay blessed na ay pinagtangkain ding patayin minsan sa kanyang buhay.
at ang salarin ay si Mehmet Ali Agca
Balbas sarado mukhang hindi bubuhay ng tao.
Hindi ko alam kung anong kabute o katol ang nasinghot niya at pinagtangkaan niyang patayin ang napakabuti at napakabait na santo papa. Apat na putok mula sa isang mataas na kalibre ng baril ang ginamit niya. Mabilis siyang dinampot ng mga pulis at sinugod agad sa pinakamalapit na ospital ang “papa”. Makalipas ang ilang taon ay napatawad din siya ni Pope John Paul. Ganyan ang simbahan/relihiyon mapagpatawad kaya sana patawarin na nila si Mideo Cruz Diyos na ang bahala sa kanya. Siguro kung nagkalat ang mga Mehmet Ali Agca sa Pilipinas ay laging kabado ang mga alagad ng simbahan.
John F. kennedy
ika-35th na pangulo ng Amerika. Kinikilalang isa sa mga pinakamahusay na pangulo ng estados unidos.
Ang tinuturong salarin sa kanyang pagkamatay ay si LEE HARVEY OSWALD
dating marino, hindi ko sigurado kung siya nga baka kasi kagaya sa Pilipinas kung sino-sino lang ang dinadampot at tinatalian ang tutoy para akuin ang kasalan. May napanuod akong video na kaya daw pinatay si JFK ay dahil utos ng “illuminati”. Ano ang illuminati ? sabihin mong superlike at gagawan ko din ng article.
JOHN LENNON
Ang pinakasikat na miyembro ng beatles alam mo na dapat yan. Nabaliw ang buong mundo dahil sa mga kanta niya. At mas sikat pa siya kay kristo ayon sa kanya.
ang tirador na kumuha ng buhay ng super idol ng mundo ay si
Mark David Chapman
hindi siya ang bokalista ng fall out boys o si chocolate. Ang pagkakaalam ko kaya niya nagawa ang krimen ay dahil sa sobrang paghanga kay Lennon. At sa sobrang kasiyahan ay binaril si John Lennon ng limang beses apat lang ang tumama. Hindi siya umalis sa crime scene hanggang dumating ang mga pulis, na starstruck yata sa patay na anyo ng idol niya. buti na lang walang ganito sa Pilipinas baka maubos ang mga sikat na artista na wala namang katale talento at sinasamba pa rin ng masa dahil gwapo o maganda.
Benigno Aquino Jr
Alam mo na siguro ang nangyari. Pinabasa na sa iyo ng teacher mo nung grade 5 ka saka nung 1st year high school ka. Kung gustong madagdagan ang kaalaman. Magtanong sa lolo o lola mo. Siguraduhin lang na isang anti at isang loyalista ang mapagtanungan mo para mabalanse mo ang paghusga. Kung gusto mo pa rin malaman. Panuorin mo ang mga napost sa blog na ito na may kinalaman kay ninoy ng malaman mo ang ibig sabihin ng “FILIPINO IS WORTH DYING FOR” at ng hindi puro walang kwentang bagay ang ginagawa mo.
Ang tinuturong salarin at nagpapangit sa mukha ng gwapong gwapong senador ay si
ROLANDO GALMAN
Hanggang ngayon ay hindi pa rin natin alam kung sino ba talaga ang pumatay kay ninoy. Pero hindi ko din sigurado kung si Galman nga. Dahil dati napanuod ko na ininterview ang anak ni Galman at sinabi na walang kinalaman at may dumakip lang sa kanyang ama.