Lunes, Setyembre 5, 2011

Pilipinas: Samahan ng mga Magigiting na Bigotilyo



Suwabe. Dahil sa august 29 ay walang pasok. Hindi dahil sa blockbuster ang tweenhearts at pipila ka sa sinehan. Walang pasok dahil ito ay “ARAW NG MGA BAYANI”. Bayani as in nagbuwis ng buhay para sa mahal nating bayan. Hindi yung bayaning sumasayaw , nagpapatawa, at mahilig sa kulay na pink.
Ito ay listahan ng mga magigiting na rebolusyunaryo sa pagsusulat na may eskoba ng pag-ibig sa mukha ( bigote: WOTL EP). Hindi ko alam kung napansin mo ito, pero karamihan ng mga bayani natin noong panahon ng mga kastila ay pulos mga bigotilyo. kung simbolo man ng katalinuhan ang bigote ay hindi ko alam. Kung totoo ito pipilitin kong maging balbas sarado at baka pati mga kababaihan magpatubo na rin ng bigote.
una sa listahan ng barkadahan ng mga bigotilyo ay si MARCELO H. DEL PILAR a.k.a PLARIDEL

image
Patnugot ng “DIARIONG TAGALOG” at “LA SOLIDARIDAD”. Medyo kahawig niya ang bigote ni Jun Sabayton. Isa sa mga ILUSTRADO AT PROPAGANDISTA. Hindi ako naging interesado sa buhay niya dahil nakaaway niya ang idol kong si Pepe. Isang abogado rin siya kaya dalubhasa sa usaping pulitikal. At siya ang may pinaka maangas na bigote.
GRACIANO LOPEZ JAENA
image
siya ang may akda ng ”FRAY BOTOD”, kung hindi mo alam ? hintayin mo ang subject na Mga Gawain ni Rizal. O kaya i research mo na lang gaya ng pagsasaliksik mo sa mga bagong kanta ng U-kiss at beast.
MARIANO PONCE

image
Isa sa mga founder ng La Solidaridad. Isang manunulat. Ang kanyang  Efemerides Filipinas ay naglalaman ng mga pangyayari sa Pilipinas.
FELIX RESURRECCION HIDALGO

image
Isa sa mga mahuhusay na pintor. Henyo ang tawag sa kanya ni Rizal. Nanalo ng Pilak sa isang prestihiyosong patimpalak. Ang kanyang The Christian virgins Exposed to the Populace ang nagwagi.
image
JUAN LUNA

image
Sino ba ang hindi nakakakilala sa mamang ito. Isa sa mga pinaka malapit na kaibigan ni Rizal. Makikita mo ito sa kanyang mga painting na kasama si Rizal. Ayoko ng pag usapan pa ang madidilim na tsismis sa kanyang buhay.
Ang isa sa pinaka sikat niyang gawa ay “PARISIAN LIFE” na sinubasta at nakuha ng Pilipinas gamit ang sweldo ng mga guro. Makikita mo ito sa G.S.I.S museum. Pero ang pinaka sikat ay ang “SPOLARIUM”. Makikita sa Pambansang Museo at kanta ng Eheads. kasama ni Hidalgo si Luna sa nasabing patimpalak at ang spolarium ang nakakuha ng ginto.
image
JOSE RIZAL
image
Ang pambansang bayani natin. kailangan pa bang bigyan ng description? napapalibutan na tayo ng mga Jose Rizal na bagay. Makinig ka na lang ng Rizal Rock.
Kung akala mo kasama sina Romy Diaz, Paquito Diaz, at Rene Requestas? baka sa susunod na kabanata na lang pag sa komedya na tayo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento