Lunes, Setyembre 5, 2011

NEVER SAY DIE


Minsan, hindi maiiwasan sa buhay ng tao ang madapa, mapatid, at matalisod. Pero kahit anong dagok and humampas sa ating buhay. Patuloy pa rin tayong tatayo at babangon. Magpapatuloy sa buhay. Dahil kahit anong mangyayari ay patuloy pa rin ang oras sa pagtakbo nito at hindi natin mapipigil ang paghabol dito. Sabi nga sa commercial ng Lucky me, ano sabi ni mommy? “NEVER SAY DIE”.
Ito ang listahan ng mga taong bagamat nadapa at nakatikim ng malaking pagkabigo ay patuloy na lumaban at hindi umayaw sa hamon ng buhay. Partida hindi sila ang-revicon forte.
1.HENRY FORD
image
siya ang founder ng “FORD MOTOR COMPANY”, isang napakalaking kumpanya sa Amerika. Pero bago siya naging matagumpay sa buhay ay limang ulit na bumagsak ang mga nauna niyang negosyo.
” Ang negosyong walang ibang hangad kundi kumita ng pera ay kaawa-awang negosyo” - Henry Ford
2.BILL GATES
image
lahat yata ng kabataan ngayon kung papipiliin kung sino gusto nilang maging tatay, baka ang sagot ay ang mamang ito. Akalain mo bang dropped out siya Harvard University at bigo rin sa negosyong itinayo niya? Pero hindi doon huminto ang buhay para sa kanya, gamit ang abilidad at talino, nalikha niya ang microsoft. Siya na ngayon ang kinikilalang pinakamayamang tao sa mundo.
” Naniniwala ako na kung ipapakita mo sa tao ang problema, at ang nakikita mong solusyon dito. Kikilos sila para dito” - Bill Gates
3. WALT DISNEY
image
Sino ang mag-aakala na masisisante sa trabaho si Walter dahil “kulang sa imahinasyon at walang magagandang ideya?”. Bata ka pa lang, hindi man mukha niya ang nakikita mo ay kilala mo na siya dahil sa kanyang mga likha, hindi mo lang alam? Siya ang utak sa paborito mong si Mickey Mouse, sa walang kamatayang Snow White and the seven dwarfs, kinaaawang Cinderella, gustong gawing pet na Lion King at marami pang iba na produkto ng WALT DISNEY COMPANY na pag-aari niya. Masasabi ko na isa si Walt Disney sa mga nagpatakbo ng imahinasyon ng mga batang Pilipino. Buti na lang, hindi pa nakakapunta ang Tanya Markova sa DisneyLand dahil kawawa naman ang mga hinahangaang cartoon character ng mga bata.
“Lahat ng panaginip natin ay maaring matupad, kung pagsusumikapan natin ito” -Walt Disney
4.VINCENT VAN GOGH
image
Sino ba ang hindi nakakaalam ng “Stary, Stary night”?
Noong nagsisimula pa lang siyang magpinta ay walang pumapansin ng mga gawa niya at isang painting lang niya ang nabenta niya, sa kaibigan pa niya sa napakamurang halaga.Ngunit hindi pa rin tumigil sa pagguhit hanggang sa umabot pa sa pagputol sa sarili niyang tenga, (dapat nagpakagat na lang siya kay Myke Tyson). Pero ngayon ang humigit kumulang na 800 obra maestra niya ay nagkakahalaga ng milyong milyong daang salapi.
“Pangarap ko ang gumuhit at iginuguhit ko ang mga pangarap ko” - Vincent Van Gogh
5.ELVIS PRESLEY
image
Oo, ang habambuhay na “Hari ng Rock and Roll”, minsan sa kanyang buhay nakaranas din siya ng masakit na pangmamata tungkol sa kanyang talento. Matapos ang isang pagtatanghal ay sinabihan siya na wala siyang mararating at bumalik na lang sa pagmamaneho ng truck. Pero hindi siya tumigil at nagpatuloy pa rin hanggang sa malaman ng sanlibutan ang tunay na ibig sabhin ng “Rakenrol”.
“Ambition is a dream with a V8 engine.” - Elvis Presley
6. MICHAEL JORDAN
image
Ang pinakamahusay na manlalaro sa kasaysayan ng basketball. Sinong mag-aakala na tinanggal siya sa basketball team at nagkulong sa banyo at umiyak lang? Sa kabila nito pinatunayan pa rin niya kaya niyang matupad ang pangarap niyang makapaglaro sa NBA at tanghaling Best Player of All Time.
“Lagi mong gawing positibo ang mga negatibong sitwasyon” - Michael Jordan
Kita mo na? walang saysay ang pagsuko sa isang bagay? Kahit na mabigo tayo sa isang pagkakataon, ang mahalaga ay ang pagbangon na gagawin natin.
Abangan ang part two.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento